sometimes, it's the weirdest of issues that let you see who you really are, or what you really stand for. well said, eli.
"Bakit pag suspension of classes, dress code at smocket ang usapan, ang bilis kumalat ng balita, tapos kapag mahahalagang bagay at proyekto hindi?
"Atenista, elitista ka nga, ngunit ano nga ba ang maipagmamayabang mo? Mabuti pa ang mga dekadang nakalipas kung saan mayabang nga ang mga Atenista sapagkat mayroon silang maipagmamayabang talaga. Maipagmamayabang ba ang partisipasyon sa mga organisasyong pumaparti lang at kumikita ng maraming pera? Maipagmamayabang ba ang pagiging patapon sa mga klase ngunit nakaka-alas pa rin kayo? Maipagmamayabang ba ang paglalaban kuno sa mga karapatan ng mag-aaral habang tinatalikuran ang mga tungkulin nito?
"Ang buhay ay hindi lamang tungkol sa pamumuhay sa palasyo mong may aircon at suot-suot mo ang panyo mong ginawa mong tshirt at pekpek shorts. Papakialaman mo lang ba talaga ang may direktang koneksyon sa pamumuhay-mayaman mo? Tapos magpapanggap kang may pakialam ka sa mga kababayan mo kasi nag NSTP o JEEP o Immersion naman na di mo naman gagawin kung hindi ito kailangan para sa iyong grado.
"Iangat muli ang kalidad ng pagka-Atenista.
Kung ayaw niyo sa isang paaralan na may prinsipyo at paniniwalang olistiko
Kung gusto niyo lang ng mataas na marka nang hindi nagtatrabaho
Kung gusto niyo lang dalhin ang pangalan ng isang paaralan kahit wala kayong maitutulong sa pagpapaangat ng pangalan na ito
Kung ayaw niyo gamitin ang utak niyo bago magsalita tungkol sa ibang bagay, o kung gusto niyolang husgahan na walang basehan ang mga taong may tunay na pag-aaruga sa inyo
E di lumipat ka na. Dun ka sa Taft, sa Diliman, sa Morayta. O mabuti pa, dahil kahit ang mga eskwelahan na iba ay may prinsipyo rin, dun ka na lang sa Call Center, kung saan magagamit mo ang conyong Ingles mo nang todo-todo. Problema lang, kahit sa call center may dress code."