Sino ang Pagbabago? | FIRST ATTEMPT IN FILIPINO
Sa totoo lang, gusto naman ata natin lahat ng konting pagbabago paminsan-minsan.
Nakakabagot din yung mga nakagawian na.
Yung tugtugin sa radyo.
Yung litrato mo sa Friendster.
Yung gusto mong kainin pang-almusal.
Ngunit minsan, may mga nakagawian nang sadyang 'di mabitawan.
Yung iba sadyang 'di puwedeng kalimutan.
Yung iba sadyang 'di lang talaga natin pinag-iisipan.
Pag-isipan kaya natin kahit saglit lang.
Isipin mo:
Kailan ka huling natuwa sa sarili mo?
Napansin ka na sa wakas ng crush mo.
May pinakamataas na marka yung proyekto mo.
Naluto mo na sa wakas ng sakto yung pansit mo.
Madali lang 'to para sa marami sa atin.
Ito, pag-isipan mo:
Kailan ka huling natuwa sa bayan mo?
Teka lang, kailangan ko pa ba 'to?
Hindi naman, kaya mo namang mabuhay nang 'di natutuwa sa kung nasaan ka.
Ngunit di nga ba na mas magaan ang buhay kung oo't nakakatuwa nga.
O, kailan ka nga ba huling natuwa sa Pilipinas mo?
Medyo mas mahirap sagutin.
At hindi nga ba na parang mas madaling murahin na lang ang bayang ito.
Nakikita nga natin araw-araw o.
Nalalanghap pa natin araw-araw.
Bawat mali ng bayang ito.
Baka siguro kaya ang hirap bitawan.
Ang dali-dali naman kasing magmukmok o magmura na lamang.
Siguro nga at bagot na bagot na rin tayo.
Tulad ng nalipasan nang kanta, dating litrato sa Friendster, yung order mo bawat take-out.
Oo, hindi nga singdaling baguhin...
...pero baka kung bantayan mo ako e
makukuha na rin natin yung pareho nating gusto.
Tutal, nasa iisang Pilipinas din naman tayo.
Ang Pilipinas natin.
Ang Pilipinas nating sa pagbabago lang uunlad.
Ngunit 'di nga ba na tayo ang pagbabago.
Ako ang pagbabago.
Sa 2010, halimbawa, boto ng kabataan ang lampas kalahati ng kabuuang boto.
56.6%!
Muli, hindi singdaling baguhin ang eleksiyong ito.
Ngunit kung seseryosohin lang natin yung pagbabantay sa isa't isa-- kunwari
yayain mo akong magpa-rehistro at bumoto
tapos kukulitin at kukulitin mo ako hangga't sa magawa ko
tapos lagyan talaga natin ng sistema para totoong mangyari sa buong bansa
e di talagang magagawa natin 'to.
Tutal, tayo din naman lahat ang mabibiyayaan pag nagkatuluyan.
At ito ang Pilipinas natin.
Kaya oo talaga, ako ang pagbabago.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home